It was May 03,2010 when i left the Philippines and try my luck here in Thailand, shempre tulad ng marami as a tourist lang ako and there's no assurance kung anong mangyayari saken dito, kung magkaka trabaho ba o uuwing bagsak ang mga balikat dahil sa walang napala dito. It was hard kasi mataas ang kumpetensya lalo na sa pag-a apply as a Teacher... (to think na di naman talaga ako Teacher)
I almost cried nung mga time na wala akong work at tumambay lang buong maghapon sa bahay ng kapatid ko at maging isang palamunin.Alam ko naman na naiintindihan ako ng kapatid ko at ng mga taong tumulong saken pero shempre iba parin kung meron kang naiku contribute sa gastusin sa bahay (lakas ko kayang kumain, kaya talagang nakakahiya,bwahaha)
Three weeks palang akong nandito nung sabihin ko sa kapatid ko na uuwi nalang ako kasi pakiramdam ko wala naman akong mapapala dito eh, pero sabi nya " No kaba, yung iba ngang Pinoy dito mas matagal na tumatambay kasi di makakuha ng trabaho,ikaw na wala pang isang bwan na nandito, susuko na?" Dun ako natauhan, kung sabagay, may point nga naman sya at kung uuwi ako ng Pinas parang sinabi ko naring talo ako sa laban ko dito sa Thailand.
After a month, I went to Lao para mag exit at kumuha ng panibagong tourist visa kasi nga jobless parin ako. Pagdating na pagdating ko sa bahay, nag-ring ang phone ko... "Kring.. kring, sabi ng telepono ko" (bwahaha)... shempre sinagot ko, "Halu, Sawadee Ka,khunyay ka"(with Thai accent; trying hard nga lang) hahaha...hala, tawagin daw bang Lola ang kausap ko? (gumagalang lang po) ayun na po ang sinasabi, interview daw....at dun na nag umpisa ang sunud sunod na job offer...shempre, I'm not a hypocrite (naks) kaya pinili ko yung mas malaki ang offer, sa mas malayong probinsya nga lang ako mabi -base at take note bulubundukin... kahit mahirap at malayo tinanggap ko na kesa matengga at tumunganga na naman ako maghapon.
Nung ma-meet ko ang Head ng English Department at ang Director ng school, shempre pakitang gilas ako...Akala tuloy nila natural saken ang pagiging slang... ang di nila alam inartehan ko lang... Nung inadress ko sila instead na Ma'am, ginawa kong Me'em...ayun, pasok sa banga ang lola mo, tinanong pa nga nila ako.. "Is that British or American accent?" at dahil pa impress, ang sagot ko,... MIXED... bwahahaha....
Mahirap palang maging isang Teacher (lalo na kung di ka naman talaga Teacher, haler) may mga time na gusto ko nang sumuko kasi feeling ko walang natututunan saken ang mga estudyante,(ako pa nga ata ang natututo sa language nila) saka ang hirap gumawa ng grades...(sumakit ang bangs ko sa bookmark na yan,hahaha) pero kung determinado at pursigido ka, at alam mong maraming umaasa at nagtitiwala sayo,kakayanin mo lahat.
Marami akong nakilala at naging kaibigan dito.. iba ibang ugali pero iisa ang Diyos na sinasamba. Salamat sa I-Mission, SDA at lalong lalo na sa Saint Nicholas Church Foreign Community, sa lahat ng mga taong naging daan para mas mapalapit ako kay Lord...Saludo ako sa inyong lahat kasi kahit na pagod na kayo, di nyo nakakalimutang gawin ang mga bagay na may patungkol sa pagsamba na nagiging daan para magsama sama ang mga Pinoy na nandito at maging isang buong pamilya, di ko naramdamang malayo ako sa pamilya ko dahil bukod sa malapit lang naman 'to sa ating bayang sinilangan (naks, makata), di rin naiiba ang mga kapatagan, bundok at mga sakahang nakikita ko sa paligid ko at shempre dahil narin sa kapatid kong nandito rin, este dahil sa inyo.. (bwahahaha)
(hala, teary eyed na,di bagay... hahaha)
|
with Teacher Joy |
|
Rosary Month |
|
with my SNFC Family |
|
|
|
Sa ngayon, I'm enjoying my stay here at talaga namang masasabi kong napapamahal na saken ang Thailand. Ang mga Thai na sobrang magalang na pagbinati ka kahit nagda drive eh talaga namang yuyuko,maipakita at mabigyan ka lang nila ng respeto (keber kung mabunggo),ang mga Pica (Ate at Kuya), mga Kunyay at Kunme, isama mo narin ang mga Poh (Lolo't Lola), ang mga tuktuk (parang tricycle na parang multicab na parang kalesang di ko maintindihan) na pagsinakyan mo feeling mo prinsesa ka, ang dance step nilang para ka lang nagsu swimming pag sinayaw mo, ang mga mongha na para bang walang kapaguran sa pag ikot at di alintana ang init ng kalsada kahit nakayapak na syang nagsi silbing Buhay na Santo ng mga taga rito, ang mga elepanteng panay lamyerda sa kalye habang kumakain ka sa karinderya at ang mga pagkain nilang sobrang malasa dahil puro oyster sauce at sobrang anghang na talaga namang magpapalabas ng almoranas mong nananahimik (eewww)... hay, ibang klase talaga ang Thailand...(thumbs up) Pero shempre kung may mas magandang opportunity, di ko parin palalampasin, pero sa ngayon dito muna ko, because I'm loving it... (weeeh, di nga, true?) hahaha....ciao!!! =)